Mandatory school feeding program, isinusulong sa Kamara

Inihain sa Kamara ang panukala na pagkakaroon ng “school feeding program” kung saan ang mga pagkain ay magmumula sa mga produkto ng mga lokal na magsasaka sa bansa.

Tinitiyak ng House Bill 9318 ang nutrisyon at kalusugan ng mga batang estudyante habang tinutulungan naman ang sektor ng agrikultura.

Kapag naging ganap na batas, gagawing “mandatory” ang feeding program sa mga pampublikong day care centers, pre-schools at elementary schools.


Ang pagpapakain ay gagawin naman tuwing umaga o bago magsimula ang klase at libre ito sa mga estudyante.

Ang programa ay pangungunahan ng Department of Education (DepEd) nang may koordinasyon at rekomendasyon mula sa Food and Nutrition Research Institute (FNRI) para sa mga ihahaing pagkain.

Bubuo naman ng “Guaranteed Market for Farmers Fund” na may inisyal na pondong ₱5 billion na gagamiting pambayad ng gobyerno sa mga produktong manggagaling sa mga magsasaka.

Facebook Comments