Mandatory testing at pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga guro, ipinag-utos sa California sa Estados Unidos

Mandatory na ngayon sa mga guro at mga empleyado ng pamahalan sa California, Estados Unidos na mabakunahan at sumailalim sa COVID-19 test.

Ayon kay California Governor Gavin Newsom, layon ng kautusan na masiguro ang kaligtasan ng mga bata sa kanilang estado.

Ito ang kauna-unahang estado naman sa US na magpa-mandatorya ng pagbabakuna at COVID-19 testing sa kawani sa mga paaralan.


Bago niyan, tanging mga empleyado at healthcare workers lamang ang nasa ilalim ng mandatory list sa Estados Unidos.

Facebook Comments