MANDATORY TRAINING | Mga nanalong SK officials, isasabak agad bukas sa SK Training

Manila, Philippines – Simula bukas, Mayo 17 hanggang a-26 sasailalim na sa mandatory training ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng nanalong Barangay Sangguniang Kabataan officials.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government Spokesperson Assistant Secretary Jonathan Malaya, ang training ay alinsunod sa SK Reform Act o Republic Act 10742.

Sa tulong aniya ng National Youth Commission (NYC) at local government leagues, may inihanda na ang DILG ng mga training package para sa mga SK officials upang bigyan sila ng tamang kaalaman at kasanayan sa kanilang papel bilang mga kinatawan ng kabataan.


Nagbabala ang DILG na ang hindi pagdalo ng mga SK officials sa training na walang valid reason ay ikukunsidera na isang ground para ma-disqualify sila sa kanilang tungkulin o papatawan ng disciplinary actions ayon sa section 27 ng SK Reform Act.
Saklaw sa SK mandatory training ang modules on decentralization and local governance, SK history at salient features, papano magpatupad ng mga meetings at pagbuo ng mga resolutions, pagpaplano at pagbabudget at ang tamang pakikitungo sa publiko at pag uugali bilang isang public officials.

Facebook Comments