Nilagdaan na ni Austrian President Alexander Van der Bellen ang batas para sa mandatoryong pagbabakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Bellen, ang mga hindi bakunado at walang anumang vaccine certificate o exemption ay papatawan ng multang nasa $680 o halos P35,000.
Magiging epektibo ang nasabing batas sa Marso 15 at magtatapos ng hanggang Enero 31, 2024.
Ang Austria ang kauna-unahang bansa sa Europa na naging mandatory ang pagbabakuna ng COVID-19 vaccine.
Facebook Comments