Iminungkahi ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagiging mandatory ng drug tests para sa mga kandidato sa 2022 national election.
Isa itong requirement na una nang idineklarang unconstitutional ng Supreme Court.
Ayon kay Moreno, layon nitong mapaigting pa ang programa laban sa iligal na droga.
Hindi naman matanggap ng alkalde kung sakaling magpositibo rito ang mga kandidato dahil malaki ang magiging epekto nito sa bansa lalo’t may programa ang gobyerno kontra iligal na droga.
Sa ngayon, marami na ang sumang-ayon sa panukala ni Moreno kabilang si Senate President Vicente Sotto III na isa sa author ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pabor rin sa mandatory drug tests sina Senator Manny Pacquiao, Vice President Leni Robredo, Labor leader Leody de Guzman at Senator Ronald “Bato” dela Rosa.