Pinag-aaralan na ng Commission on Higher Education (CHED) ang mandatoryong pagbabakuna sa mga mag-aaral sa kolehiyo sa bansa.
Kasunod ito ng pagsasagawa ng face-to-face classes ng mas marami pang kurso sa kolehiyo.
Ayon kay CHED Chair Prospero de Vera, daan ang pagbabakuna para sa dagdag na proteksiyon ng mga mag-aaral, faculty members at personnel na nasa higher education institutions (HEIs).
Tanging ang mga medical and health allied courses pa lamang sa ngayong ang pinapayagan sa in-person classes at ilang pang kurso tulad ng Engineering and Technology programs, Hospitality/Hotel and Restaurant Management, Tourism/Travel Management, Marine Engineering at Marine Transportation.
Sa ngayon batay sa tala ng CHED, mula ng ibalik ang limitadong face-to-face classes sa ilang kurso sa kolehiyo noong Enero, 1% lamang sa 21,000 na estudyante sa 181 na paaralan sa buong bansa ang nagkasakit ng COVID-19 habang 1.41% naman sa 1,000 faculty members ang nahawaan ng sakit.