Hindi pa rin makapagdesisyon ang lokal na pamahalaan ng Maynila kung muling ipapatupad mandatoryong pagsusuot ng face mask sa buong lungsod.
Nabatid na nagkaroon na ng konsultasyon ang Manila Local Government Unit (LGU) sa mga heath cluster hinggil sa usapin ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 pero hindi pa ito inilalabas.
Matatandaan na una ng inihayag ng lokal na pamahalaan ng Maynila na tatalima sila sakaling magpalabas ng kautusan ang Department of Health (DOH) o national government sa mandatoryong pagsusuot ng face mask.
Pero sa ngayon, hindi na rin muna sila maglalabas ng ordinasa hinggil sa nasabing pagsusuot mg face mask upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19.
Sa kabila nito, hinihimok pa rin ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang publiko lalo na ang mga residente nito na magsuot ng face mask anumang oras partikular sa mga loob ng mall, tren, opisna at iba pang hindi open spaces.
Nabatid na sa datos na ibinahagi ng Manila Public Information Office, umakyat na sa 206 ang naitatalang aktibong kaso ng COVID-19 pero nakokontrol pa naman ito ng Manila Health Department.