Pansamantalang sinuspinde ng pamunuan ng Pangasinan State University ang mandatoryong polisiya sa pagsusuot ng uniporme para sa mga empleyado at estudyante dahil sa mainit na panahon.
Gayunpaman, kinakailangan pa rin tumalima sa smart casual attires ang mga empleyado habang puting damit naman sa mga estudyante.
Mananatili namang mandatoryo ang pagsusuot ng ID sa loob ng unibersidad.
Hinihikayat ng pamunuan ang pagdadala ng extrang damit upang maging komportable sa pagtatrabaho at pag-aaral ngayong umiiral ang mainit na panahon sa bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments