Binuksan na rin ang hospital Annex ng Mandaluyong Medical Center dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Coronavirus disease o (COVID-19).
Kung dati nagsisilbing paanakan ang Mandaluyong City Medical Center Annex Maternity and Children’s Section sa Martinez Avenue, ngayon dito na dinadala ang mga indibidwal na makikitaan na sintomas ng COVID-19.
Ayon kay Mandaluyong City Government, Chief of Staff Jimmy Isidro napuno na kasi ang Mandaluyong City Medical Center kaya para magamot ang Persons Under Investigation at Persons Under Monitoring kung kaya’t ginamit na itong dagdag pasilidad.
Ililipat naman sa ibang gusali ang mga manganganak para matiyak na hindi sila mahahawa sa sakit.
Sa Emergency room ang diretso ng mga makikitaan ng sintomas at doon bibigyan ng atensyong medikal.
Dagdag pa ni Isidro sa ngayon, wala pang hiwalay na Tent ang Annex pero isa rin yan sa mga inaayos habang nadadagdagan pa ang kaso ng mga COVID-19.
Base sa pinakahuling tala, 16 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.
52 ang Persons Under Investigation at 363 ang Persons Under Monitoring.
Paliwanag ni Isidro 2 naman sa kaso ng COVID-19 Positive ang nasawi habang 2 PUI na naghihintay ng resulta ng Test ang nasawi.