MANDURUKOT | 2, arestado sa Tacloban

Tacloban City – Arestado ang dalawang magnanakaw matapos maaktuhang nambibiktima sa downtown area ng Tacloban City.

Kinilala ang mga suspek na sina Cris Rivera, 36-anyos, at si Maribel Japura, kapwa residente ng Barangay Majacob, Tarangnan, Samar.

Ayon sa mga ito, napilitan lang silang mandukot dahil nasira ang kanilang bangkang ginagamit sa pagkuha ng alimango na siyang hanapbuhay nila.


Samantala, muli namang nagpaalala ang mga pulis sa publiko na maging maingat para makaiwas sa mga mandurukot.

Facebook Comments