Mandurukot, Huli ng Nakasalubong na Pulis

Tuguegarao City Cagayan- Arestado ang isang lalaki matapos nitong dukutin ang wallet ng isang ginang habang namimili, bandang alas sais kwarenta kagabi, Enero 23, 2018.

Kinilala ang biktima na si Gemma Dumlao, isang account executive sa Pulsar Hotel, 37 anyos, may asawa at residente ng Barangay Ugac Norte, Tuguegaro City, samantalang nakilala naman ang suspek na si Ronnie Sibbaluca, 26 anyos, tubong Lagum Peñablanca Cagayan at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Atulayan Norte Tuguegarao City.

Batay sa report ng PNP Tuguegarao, namimili umano si Dumlao ng isda ng biglang hablutin ni Sibbaluca ang kanyang wallet na agad itinakbo sa bahagi ng Gonzaga Street.


Hindi umano inaasahan ng suspek na may makakasalubong na mga pulis na nakabantay sa nasabing lugar at sa tulong na rin ng mga concerned citizen ay nabawi mula sa kanya ang wallet ng biktima.

Agad namang dinala sa kustodiya ng PNP si Sibbaluka upang patawan ng karampatang parusa.

Facebook Comments