Tuguegarao City, Cagayan – Nagkampeon si Manfred Sanches, ang coach ng CSU Sanches Mira Chess Team sa katatapos na 3rd Caritan Centro Chess Tournament sa Tuguegarao City.
Sa pamamagitan ng 6.5 Pts o anim na panalo at isang tabla mula sa pitong laro ay siya ang nanguna sa mula sa 91 na lumahok sa naturang sports event.
Siya ay isang college professor ng Cagayan State University Sanchez Mira Campus na nagsisilbi ring tagaturo ng mga college chess players nila. Tumanggap ito ng cash prize na apat na libong piso at tropeo bilang gantimpala.
Samantala, ang kumumpleto sa top ten ng naturang chess tournament ay ang mga sunusunod: (2) Jake Tumaliuan, (3) Jojo Foz, (4) Aaron Cabalza, (5) Mark Lester Asejo, (6) Kyrl Rafa, (7) Renolph Remudaro, (8) Jerome Baggao, (9)Judemund Ramirez at (10) Alex Malabad.
Binuksan ang naturang chess tournament ni Caritan Centro Punong Barangay Restituto Ramirez kung saan ay kanyang pinasalamatan sina Congressman Randolph Ting at ng kanyang mabahay na si Mrs Nancy Sera Ting ng 3rd District ng Cagayan, Cagayan Board Member Maila Ting Que at dating Tuguegarao City Mayor Delfin Ting dahil tulong at suporta para sa naturang torneo.
Nagsimula ang laro na ginanap sa Tuguegarao City North Central School bandang alas diyes ng umaga at nagtapos ito pasadao alas sais na ng gabi.
Ang naturang chess tournament ay naging bahagi ng kapistahan ng Caritan Centro sa lungsod ng Tuguegarao sa linggong ito.
Marami rin ang sumali na mga kabataan na naghahanda para sa Cagayan Valley Regional Athletic Association (CAVRAA) chess event sa naturang palaro na nakipagsabayan din sa mga senior players.