Nakasama sa top performing LGUs sa lalawigan ng Pangasinan ang lokal na pamahalaan ng Mangaldan dahil sa pagsunod nito sa Vaccine Information Management System (VIMS) para sa 3rd quarter ng taon.
Kinilala ang lungsod ng Department of Information and Communication Technology (DICT).
Ang pagkilala ay iginagawad sa mga huwarang tagumpay at natatanging kasanayan ng Mangaldan LGU sa pag-upload at pag-update ng mga updates ukol sa vaccination na nag-aambag sa madaling pagbuo ng vaxcertph Digital Vaccination Certificate (DVC) sa pamamagitan ng website ng vaxcertph.
Kabilang ang kalusugan sa prayoridad ng lokal na pamahalaan kaya naman ang alkalde ng lungsod na si Mayor Bona Fe Parayno ay nagpaabot ng suporta sa Municipal Health Office (MHO) sa pamamagitan ni Dr. Larry Sarito para makamit ang ang target na 90% na mabakunahan na nakatatanda at 50% na target na papulasyon ng nasa hustong gulang na mababakunahan kontra COVID-19 sa munisipyo. | ifmnews
Facebook Comments