MANGALDAN, PANGASINAN – Isinailalim na sa Modified Enhance Community Quarantine o MECQ ang bayan ng Mangaldan simula ngayong Miyerkules, ika-15 ng Setyembre.
Ito’y matapos umapela ang Alkalde ng bayan sa Provincial IATF kasunod ng paglobo ng COVID-19. Sa Executive Order No. 2021-L-044, s. 2021 na inilabas ng lokal na pamahalaan, ipatutupad ang MECQ hanggang ika-28 ng Setyembre.
Sa ilalim ng kautusan, ipinagbabawal ang paglabas ng taong 18-anyos pababa at 65 pataas, persons with comorbidities at mga buntis.
Mahigpit ring ipagbabawal ang mass gathering at papayagan lamang kung essential goods at services. Hinihikayat naman ang mga pribadong kompanya na magsagawa ng online payroll upang maiwasan ang face-to-face interaction.
Ang public market dito ay bukas 4:00 ng umaga hanggang 6: 00 ng hapon lamang.
Sa pinakahuling datos ng Municipal Health Office, nasa 145 na ang aktibong kaso dito kung saan ilan sa mga pasyente ay ginagamot na sa kanilang mga tahanan sapagkat puno na ang hospital at isolation facility.
Sa isinagawang screening ng Provincial Health Office, tanging isang PDL ang hindi pumasa o hindi nabakunahan dahil sa ito ay dumadaan sa gamutan.
Layunin ng lokal na pamahalaan na mabakunahan ang mga PDL’ s upang maging protektado laban sa virus.
Matatandaan na mas mabilis kumalat ang nakakahawang sakit sa loob ng bilangguan dahil mahirap maipatupad ang social distancing.