Nagbabala ang Municipal Health Office ng Mangaldan sa mga residente kaugnay sa posibleng pagkalat ng hand-foot-and-mouth disease (HFMD) matapos maitala ang anim na suspected cases sa bayan.
Sa inilabas na pahayag ng lokal na pamahalaan, naitala ang anim na kaso na mayroong sintomas mula November 1-13.
Tatlo sa mga suspected cases, ay sumailalim na sa swab testing. Agad na ipinadala ang mga samples mula sa Department of Health Provincial Office Pangasinan at DOH Regional Office sa San Fernando, La Union upang malaman kung positibo sa naturang sakit.
Paliwanag ng health authorities, naipapasa ang sakit sa pamamagitan ng droplets o direct contact sa paglabas sa ilong, laway , dumi at likido mula sa rashes ng apektadong indibidwal. Karamihan sa mga tinatamaan ay bata partikular sa mga batang edad walo pababa.
Dahil dito, nagpaalala si Dr. Larry Sarito, ang Municipal Health officer ng bayan, upang maiwasan ang sakit ipinayo nito ang palagiang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask at pagtatakip ng bunganga sa tuwing umuubo at bumabahing. |ifmnews
Facebook Comments