MANGALDAN, NANATILING DRUG CLEARED MUNICIPALITY

Inihayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan na nanatiling drug cleared municipality ang bayan ng Mangaldan.
Ito ang inihayag ni PDEA Supervising Agent Rechie Camacho Sa isinagawang roll out ng Barangay Drug Clearing Program.
Isa ito sa 1,073 na bayan sa Pangasinan na idineklarang drug cleared ng PDEA ngayong taon. Dinaluhan ang BDCP sa bayan ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan, Mangaldan Police Station, Municipal Local Government Operations Office kasama ang ilang barangay officials at Sangguniang Kabataan sa bayan.

Hinikayat naman ng PDEA Pangasinan ang mga barangay officials at local government units na suportahan ang kampanya kontra ilegal na droga ng gobyerno. | ifmnews
Facebook Comments