MANGALDAN NATIONAL HS, NAKIPAGPARTNER SA LGU MANGALDAN PIO PARA SA SCHOOL-BASED CAMPUS JOURNALISM TRAINING

Nakipagtulungan ang Mangaldan National High School (MNHS) sa Local Government Unit ng Mangaldan sa pamamagitan ng Public Information Office (PIO) sa pagsasagawa ng School-Based Training Program on Campus Journalism para sa mga estudyante at school paper advisers sa paaralan.
Ang nasabing pagsasanay ay naglalayon na palakasin ang mga kasanayan ng mga mamamahayag sa kampus sa pagsulat, pag-edit, pag-proofread, pagsulat ng headline, sa radio at TV broadcasting gayundin na i-update ang mga kalahok sa pinakabagong mga uso, estratehiya, at mga prinsipyo ng pagsusulat lalo at nag-aadapt ngayon sa new normal ng edukasyon.
Itinampok sa dalawang araw na pagsasanay sa campus journalism na nakabase sa paaralan ang mga lokal na mamamahayag sa Pangasinan, mga manunulat, at mga producer mula sa Public Information Office na nagsilbi bilang mga tagapagsanay para sa Espesyal na Programa para sa mga mag-aaral ng Journalism, mga mamamahayag sa kampus, at mga school paper advisers ng paaralan. |ifmnews

Facebook Comments