Sumailalim sa mandatory drug test ang mga tauhan ng Mangaldan Municipal Police Station bilang bahagi ng programa ng Philippine National Police (PNP) para mapanatili ang disiplina at propesyonalismo sa kapulisan.
Ayon sa pahayag, isinagawa ang pagsusuri ng mga health at forensic personnel ng istasyon upang matiyak na nasusunod ang tamang proseso at mga protocol sa drug testing.
Layunin ng mandatory drug testing na tiyakin na ang lahat ng tauhan ay sumusunod sa pamantayan ng PNP Internal Cleansing Program, na nakatuon sa pagpapaunlad ng disiplina, pananagutan, at moralidad sa pamamagitan ng mga aktibidad tulad ng drug tests.
Nanawagan naman ang Mangaldan MPS ng patuloy na suporta ng publiko sa mga hakbang na naglalayong panatilihin ang tiwala ng komunidad at integridad ng kanilang serbisyo.









