Saturday, November 14, 2026

MANGALDAN WATER DISTRICT, NAGBABALA SA MULING INSIDENTE NG PAGNANAKAW NG WATER METER

Nagbabala ang Mangaldan Water District (MAWAD) sa mga concessionaires laban sa muling naiuulat na mga insidente ng pagnanakaw ng water meter sa kanilang nasasakupan.

Sa inilabas na paalala, hinimok ng MAWAD ang publiko na maging mapagmatyag at tiyaking ligtas ang kanilang mga metro ng tubig upang maiwasan ang posibleng pagnanakaw at karagdagang gastusin.

Ilan sa mga ipinayo ng ahensya ay ang paglalagay ng proteksiyon o meter enclosure, basta’t hindi nito mahahadlangan ang regular na pagbabasa at inspeksiyon ng mga tauhan ng MAWAD.

Pinayuhan din ang mga residente na maging alerto sa mga kahina-hinalang tao at aktibidad sa kanilang lugar, gayundin ang pakikipagtulungan sa mga kapitbahay at opisyal ng barangay upang agad na maiulat ang anumang kahina-hinalang pangyayari. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments