Nag-uwi ng karangalan para sa bansa ang isang kabataang Mangaldeña matapos masungkit ang gintong medalya sa larangan ng News Writing (Category 4) sa ASIAROPE Olympiad na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Kinatawan ng Pilipinas si Tahnia Jannine Abrogar Guarin. Bukod sa kanyang panalo, nakamit din niya ang overall second runner-up Golden Trophy sa Journalism, kahit isang kategorya lamang ang kanyang nilahukan.
Si Tahnia ay estudyante ng St. Albert The Great School sa Dagupan City at kasalukuyang editor-at-large ng kanilang school paper.
Itinuturing na inspirasyon ang kanyang tagumpay, hindi lamang para sa mga Mangaldeño, kundi para sa lahat ng kabataang Pilipino na nagnanais magtagumpay sa larangan ng pamamahayag. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









