Arestado ang isang 25 anyos na mangangalakal matapos sampahan ng kasong Child Abuse sa Brgy. Bonuan Binloc, Dagupan City.
Ayon sa ulat, ikinasa ng Police Station 2 ang operasyon sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) laban sa suspek.
Nahaharap ang suspek sa kasong Child Abuse na may inirekomendang piyansa na PHP80,000.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Dagupan City Police Office ang suspek habang inihahanda ang susunod na proseso ng kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










