Lalaki, tastas ang mukha matapos atakihin ng binaril na usa

265
(Unsplash)

SOUTHWEST, France – Nagtamo ng matinding pinsala sa mukha ang isang mangangaso nang bigla itong atakihin ng usang noo’y babarilin niya na sana sa isang gubat.

Base sa report ng UK Metro, sinusundan noon ng biktimang si Vincent Saubion ang naturang hayop nang bigla siya nitong sugurin at atakihin, rason para mapunit ang kalahati ng kanyang mukha.


Nagtamo rin ng sugat hanggang sa mata si Saubion dahil sa pag-atake na naging dahilan umano ng kanyang pagkahilo at mabilis na pagdurugo ng kanyang mukha.

Sa kabila ng pangyayari, desidido pa rin daw itong hulihin ang naturang usa ngunit pinigilan siya ng mga rumisponde sakay ng helicopter.

Agad na isinugod sa ospital si Saubion para sumailalim sa emergency surgery.

Samantala, ang nangyaring insidente ay hindi umano magiging dahilan para balikan niya ang lugar at mangasong muli.



“I am still crazy about hunting. I have nothing but respect for the game,” giit ni Saubion.


Facebook Comments