Manggagamot sa Guatemala, sinunog ng buhay matapos umanong akusahang mangkukulam

GUATEMALA, America – Patay ang isang Mayan medicine specialist at traditional healer matapos sunugin ng buhay dahil sa akusasyong isa siyang mangkukulam.

Sa report ng The Independent, sinunog si Domingo Choc Che noong Sabado habang nasa kanyang lugar sa Chimay, Guatemala sa harap ng maraming tao.

Naiulat na ang biktima ay isang collaborator ng University College of London (UCL) pharmaceutical project na noo’y may isinasagawang proyekto ukol sa paggamit ng Mayan medicine sa Guatemala.


Sinisiyasat umano ng grupo kabilang na si Choc Che ang naturang proyekto sa pakikipag-uganayan ng Universidad del Valle de Guatemala. the Council of Maya Elders, Indigene Biodiversity, government authorities at ng Convention on Trade in Endagered Species.

Dahil sa nangyari, nagpasya ang lokal na gobyerno ng Chimay na magsagawa ng imbestigasyon matapos ang nangyaring insidente.

Hinaing ng mga kaibigan ng biktima ang hustisya para sa kanyang pagkamatay.

Saad naman ni Dr. Michael Heinrich, ang nangunguna sa proyekto, “We’re all speechless and words cannot express our sadness and fury. He was such an important facilitator, supporting the local development of resources and planning for ways to improve the local livelihood.”

Ayon naman sa isang aktibista sa Guatemala, isang uri ng “barbarism” ang ginawang pagpatay kay Choc Che.

Base sa inilabas na pahayag ng local newspaper La Hora, bukas na ang imbestigasyon ng Human Rights Ombudsman sa nangyari.

Bukas na din sa pag-iimbestiga ang Municipal Prosecutor’s Office at Peten District Prosecutor.

Naitala naman na isang major issue ang violent crime sa Guatemala at isa umano ang bansa sa may pinakamataas na kaso ng murder sa buong mundo.

Facebook Comments