Manggagawa, Kalaboso sa Paglabag sa RA 9262!

*Cordon, Isabela-* Kalaboso ang isang manggagawa ng muwebles dahil sa paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 sa Brgy. Roxas, Cordon, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Oliver Palaganas, 31 anyos at residente ng nabanggit na barangay.

Inaresto si Palaganas ng pinagsanib na puwersa ng CIDG SCFU – Santiago at PNP Cordon sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Nicasio B Bautista ng RTC Branch 21 sa Cauayan City noong ika-26 ng Hunyo, 2019 para sa nabanggit na kaso at may rekomendadong piyansa na nagkakahalaga ng P 24,000.00.


Sa ngayon ay nasa kustodiya ng CIDG SCFU si Palaganas para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments