Manggagawa na Wanted sa Batas, Huli sa Cabatuan, Isabela!

*Cabatuan, Isabela- *Natimbog ang isang construction worker na wanted sa batas matapos silbihan ng warrant of arrest kahapon sa Brgy. Nueva Era, Cabatuan, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Renie Boy Cordero, 38 anyos, may asawa, at residente ng Brgy. Nueva Era, Cabatuan, Isabela.

Si Cordero ay nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property kung saan pansamantala itong makakalaya kung makakapaglagak ng piyansa na P10,000.00.


Hinuli si Cordero sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi ng PNP Cabatuan na ipinalabas ni judge Eric D. Banasan, Presiding ng MTC, San Mateo, Isabela.

Nasa pag-iingat na ngayon ng PNP Cabatuan ang akusado para sa karagdagang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments