Manggagawa sa Delfin Albano, Isabela, Timbog sa kasong paglabag sa RA 9165!

191

Delfin Albano, Isabela- Arestado ang isang manggagawa sa kasong paglabag sa RA 9165 matapos isilbi ng mga otoridad ang Warrant of Arrest nito dakong alas dyes ng umaga sa Brgy. Ragan Norte, Delfin Albano, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Rommel Suarez Calalung, bente dos anyos, walang asawa, manggagawa at residente ng nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng PNP Delfin Albano si Calalung sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Felipe Torio III ng RTC Branch 22, Cabagan, Isabela dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act.

Nasa kustodiya na ng PNP Delfin Albano ang akusado para sa kaukulang d isposisyon bago dalhin sa court of origin nito.

Samantala, pansamantalang makakalaya si Calalung kung makakapaglagak ng inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng dalawang daang libong piso.

Facebook Comments