Manggagawa sa Tuguegarao City, Nagbigti!

*Tuguegarao City- *Patay ang isang manggagawa matapos magbigti bandang alas sais kaninang umaga, Hulyo 30, 2018 sa Brgy. Linao East, Tuguegarao City.

Kinilala ang biktiamang nagpakamatay na si Jerome Arellano, 19 anyos, isang manggagawa at residente ng nasabing barangay.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan sa PNP Cagayan, nagkaroon umano ng alitan ang biktima sa kanyang kinakasama at nakipag-inuman pa umano ito sa kanyang kaibigan bago mangyari ang insidente.


Nagulat na lamang umano ang kapatid ng biktima na si Jessa matapos Makita sa kwarto ng biktima ang nakabitin nitong katawan gamit ang isang lubid.

Napag-alaman rin ng kapulisan na maaaring dahil sa naging alitan ng biktima at sa kanyang kinakasama ang naging dahilan ng pagpapakamatay nito subalit patuloy pa rin umano ang kanilang isasagawang imbestigasyon hinggil sa naturang insidente.

Facebook Comments