Mangilan-ngilan pa lamang ang dumalaw sa yumao nilang mahal sa buhay sa Sangandaan Public Cemetery sa Caloocan City.
Ayon kay Patrolman Lope Baleña ng Caloocan City Police, inaasahan na mamaya hanggang sa Sabado, November 2, ang dagsa ng tao dito sa Sangandaan Public Cemetery.
Aniya, kahapon nagsimula ang kanilang deployment dito sa nasabing sementeryo kung saan tig-16 na pulis ang nakabantay sa umaga at hapon.
Alas-7 ng umaga ang pagbubukas ng sementeryo hanggang alas-10 ng gabi kung saan sa labas pa lamang ay makikita o nakapaskil ang mga paalala sa mga bibisita sa yumao nilang mahal sa buhay dito sa Sangandaan Public Cemetery sa Caloocan City.
Tatlo ang gate dito sa Sangandaan Public Cemetery pero ngayong panahon ng Undas, isang gate lang ang gagamitin sa entrance at isang gate din sa exit.
Samantala, matumal pa rin ang bentahan ng mga kandila at bulaklak sa labas ng naturang sementeryo. Mabibili ang bulaklak sa halagang P40 hanggang P300 na naka-flower arrange.
Habang ang kandila ay mayroong P10, P15, P20, at P25