MANGILAN-NGILANG MGA LIGHT VEHICLES SA DAGUPAN CITY, PATULOY PA RIN SA PASADA SA KABILA NG MATAAS NA PAGBAHA.

Mangilan – ngilan pa rin ang pumapasadang mga light vehicles tulad ng tricycle kahit pa kasalukuyang nararanasan ngayon ang mas mataas na lebel ng tubig pagbaha.
Bagamat ganito ay nakitaan pa rin ng mga nagpapatuloy sa pamamasada ngunit hindi ligtas ang mga ito sa pagtirik ng mga ito dahilan ang mas mataas na tubig kesa sa mga makina, dagdag pa ang malakas na current ng tubig at ang along dala ng mga sumasalubong na mga sasakyan.
Sa ngayon, convenient ang mga sasakyan na truck at ang tinatawag nila na kuliglig dahil mas mataas ito kumpara sa mga tricycle at jeep.
Samantala, ilang mga daanan pa rin sa Dagupan City ay hindi passable lalo na sa mga light vehicles dahil sa taas ng lebel ng tubig nito.
Facebook Comments