MANGINGISDA MULA INFANTA, PANGASINAN, WAGI SA FISH CONSERVATION WEEK

Kinilala ang mangingisdang si Jerome Berjame mula Infanta, Pangasinan matapos masungkit ang unang pwesto sa kategoryang “Pinakamalaking Huling Isda (Tuna)” sa ika-62 Fish Conservation Week ng BFAR Region 1 na ginanap sa San Fernando City, La Union.

Nakahuli si Berjame ng tuna na may habang 100 sentimetro, lapad na 80 sentimetro, at may bigat na 17.9 kilo — ang pinakamalaki sa nasabing kompetisyon.

Kasama sa kaniyang pagkilala ang Municipal Agriculture Office ng Infanta at ang Cato Infanta Fishermen’s Association, Inc. (CIFAI) na tumulong at sumuporta sa kanyang tagumpay.

Layunin ng patimpalak na hikayatin ang mga mangingisda na maging ehemplo ng responsableng pangingisda at pangangalaga sa yamang-dagat.

Bahagi rin ito ng isang linggong selebrasyon ng BFAR Region 1 na naglalayong isulong ang adbokasiya ng fish conservation at pasalamatan ang mga mangingisdang patuloy na nag-aambag sa seguridad sa pagkain ng bansa.

Facebook Comments