Mangingisda nakitang nakabitin sa bakawan sa Dagupan City, posibleng nagpatiwakal umano

Patay na ng matagpuan ang isang mangingisda na nakabitin sa bakawan sa ilog ng Carael District Dagupan City..
Nakilala ang nasawi na si Roderick Lopez, 25- anyos, residente ng Sitio Dupo, Brgy. Salapingao, Dagupan City.
Isang caretaker ng fish pond ang naka kita kay Lopez na nakabitin sa bakawan gamit ang isang nylon.
Napag-alaman na nagpaalam pa si Lopez sa kaniyang ama na pupunta sa kaniyang ina sa barangay Carael.
Hinihintay na ng otoridad ang post mortem examination upang malaman ang tunay na dahilan ng pagkamatay ni Lopez. ### Photo Credit: Google

Facebook Comments