Wednesday, February 4, 2026

MANGINGISDA, NATAGPUANG PALUTANG-LUTANG SA ILOG SA DASOL, PANGASINAN

Isinangguni ng isang lalaki sa awtoridad ang nakitang palutang-lutang na katawan ng lalaki sa Maasin River, Brgy. Malacapas, Dasol, Pangasinan.

Nakilala ang biktima na isang 49 anyos, mangingisda at residente sa bayan.

Sa salaysay ng kaanak ng biktima, umalis ito upang ayusin lang sana ang kanyang lambat bagamat bigong makabalik sa bahay.

Bago pa ang insidente, isinugod at nanatili sa ospital sa loob ng ilang araw ang dahil dumaranas ito ng Hypertension.

Itinakbo pa ito sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments