
Isang mangingisda ang natagpuang wala nang buhay sa bahagi ng Agno River sa Barangay Pangascasan, Bugallon, Pangasinan.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, isang residente ang nakakita sa katawan ng biktima na palutang-lutang sa tubig, kasama ang kanyang lambat.
Lumalabas sa paunang ulat na bago ang insidente, nakainom umano ang biktima nang pumunta ito sa ilog upang kunin ang mga isdang nahuli sa kanyang lambat at hindi na nakauwi.
Agad siyang dinala sa pagamutan sa Lingayen ngunit idineklara nang patay pagdating doon.
Patuloy namang iniimbestigahan ng mga pulis ang pangyayari upang matukoy ang buong detalye ng insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









