MANGINGISDA, PINAGHAHANAP MATAPOS ILANG ARAW NANG HINDI NAKAKAUWI SAKAY NG BANGKA SA BOLINAO

Isang 28 anyos na mangingisda ang pinaghahanap pa rin ngayon matapos bigong makauwi sa kanilang tahanan sa Brgy. Germinal, Bolinao, Pangasinan.

Ayon sa ulat, gabi ng September 22 ay umiinom pa ng alak ang biktima nang mapagpasyahan nitong umuwi sa kanilang tahanan bandang alas dos ng madaling araw.

Kasalukuyan umanong naninirahan sa Silaki Island ang biktima dahil sa trabaho.

Lulan umano ng maliit na bangka ang biktima at hindi ito nangingisda nang mawala.

Base sa follow-up ng IFM News Dagupan sa Bolinao Police Station, hindi pa rin nakakauwi hanggang ngayon ang biktima.

Anumang impormasyon sa kalagayan at kinaroroonan ng biktima na si Jeyson Adrid alyas “DJ ALI” ay maaaring iparating sa pulisya at Coastguard. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments