Mas maraming mangingisda at manggagawa sa sektor ng agrikultura na kabilang sa vulnerable sector ang target na mapabilang sa mga unang benepisyaryo na makakabili ng P20 bigas.
Nagsimula nang makabili sa murang halaga ang ilang mangingisda sa Sual na nakaubos sa inilaan na 100 sako ng bigas mula sa National Food Authority.
Ang paglulunsad ng programa sa Sual ay simula pa lamang umano ng mas pinalawig na pamamahagi sa sektor na inaasahang dadalhin din sa iba pang lalawigan sa Ilocos Region na may pinakamaraming mangingisda ayon sa tanggapan.
Tulad ng umiiral na patakaran ng programa, tig- sampung kilo lamang ang mabibili ng kada benepisyaryo.
Matatandaan na unti-unting binubuksan sa iba pang sektor ang prayoridad na unang makabili ng murang bigas kumpara sa presyo sa merkado mula sa mga minimum wage earners, solo parents, senior citizens at maging sa mga magsasaka. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









