Mangingisdang dalawang araw nagpalutang-lutang sa karagatan ng Tawi-Tawi nasagip ng Philippine Navy

Nailigtas ng Philippine Navy ang isang mangingisda na dalawang araw nagpalutang-lutang sa karagatan malapit sa Andulingan Island, Sitangkai, Tawi-Tawi.

Ayon sa Navy, nakita ng mga tauhan ng BRP JOSE LOOR SR ang mangingisdang si Roco Sambas na nakakapit sa isang styrofoam, nasa layong 6.4 nautical miles mula sa nabanggit na isla.

Kwento ni Sambas, lumubog ang kanyang bangka habang nangingisda sa karagatang malapit sa Sibutu Island noong December 2.


Stable na ang kondisyon ni Sambas matapos bigyan ng damit, pagkain at paunang lunas mula sa mga minor injury na kanyang tinamo.

Facebook Comments