MANGINGISDANG HINDI MAKABAYAD NG UTANG SA BAYAN NG BINMALEY NAGPAKAMATAY

BINMALEY, PANGASINAN – Nagpakamatay ang isang trenta’y sais anyos na mangingisda dahil umano sa matinding depresyon sa bayan ng Binmaley, Pangasinan.

Nakilala ang biktima na si Arnold Ulayan residente ng Brgy. Sabangan sa nabanggit na bayan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na pasado alas siyete ng umaga ng nakipag inuman pa ang biktima sa mga kaibigan at nasabi nito ang problema sa mga utang niya na hindi nito mabayaran kung kaya’t dumaranas ito ng matinding depresyon.


Pasado alas kwatro ng hapon ng nakita ito ng kanyang pamangkin sa kanilang bahay na nakabitin gamit ang isang lubid na itinali sa kanyang leeg.

Nagsagawa pa ng first aid ang mga rescuer sa nasabing biktima subalit nabigo ang mga ito.

Facebook Comments