Mangingisdang nawala sa Bajo de Masinloc sa kasagsagan ng Bagyong Isang, nasagip ng PCG

Matagumpay na nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mangingisdang napaulat na nawawala sa karagatang sakop ng Bajo de Masinloc sa Zambales.

Kinilala ng PCG ang mangingisda na si Roberto Albior, 53 taong gulang na mula sa Calapandayan, Subic, Zambales.

Matapos ang ilang araw na paghahanap, natagpuan si Albior sa tulong ng bangkang FFB CHIEF IVER na agad nag-ulat sa PCG.

Agad naman siyang sinaklolohan ng barkong BRP Cape San Agustin.

Nahiwalay si Albior sa kanyang 12 kasamahan noong Agosto 22 nang salubungin ng malalakas na hangin at alon mula sa Bagyong Isang ang kanilang bangkang FFB SAIDER.

Ligtas na ring naihatid pabalik sa Subic ang 12 mangingisda.

Sa ngayon, nakatanggap na ng medical assistance at pagkain si Albior habang pabalik sa Subic.

Facebook Comments