MANGINGISDANG WANTED SA KASO NG CHILD ABUSE, TIMBOG SA BOLINAO

Naaresto ng Bolinao Municipal Police Station, katuwang ang Iba Zambales MPS, ang isang 52-anyos na mangingisda na residente ng Brgy. Dirita, Iba, Zambales, makaraang isyuin ang warrant of arrest laban rito para sa paglabag sa RA 7610, o ang batas na pumuprotekta sa mga bata laban sa pang-aabuso, pagpapabaya, at iba pang karahasan.

Ayon sa ulat, matagal nang iniimbestigahan ang suspek kaugnay ng kaso ng child abuse, at kinumpirma ng mga awtoridad ang pagkakasangkot nito bago isinagawa ang operasyon.

Isinagawa ang pagkakadakip noong umaga ng Enero 24, 2026 sa Bolinao, Pangasinan.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Bolinao MPS ang suspek habang naghihintay ng paglilitis kaugnay sa kaso laban rito.

Facebook Comments