Mangkok, nabili sa halagang mahigit isang trilyong piso

Britain – Isang mangkok ang pinagkaguluhan ngayon matapos na bumida sa isang auction sa Sotheby, Britain.

Isang hindi kilalang bidder kasi ang nakabili nito sa halagang 28-million British pound o katumbas ng mahigit isang trilyong piso!

Nabatid na isang-libong taon na ang tanda ng mangkok na tinagurian ngayon bilang pinakamamahaling Chinese ceramic.


Sinasabing gawa pa noong panahon ng Song Dynasty ang mangkok

Facebook Comments