Kasabay ng pagdiriwang ng 19th Mango-Bamboo ng San Carlos City ay ginanap din ang taunang Grand Civic and Float Parade ngayong araw, Abril 22.
Ang Mango-Bamboo Festival ng siyudad ay ginaganap upang magbigay pugay at pagiging matatag ng mga San Carlenians sa anumang hamon ng buhay. Bawat taon ay may iba’t ibang mga aktibidades ang nilalahokan ng iba’t ibang sektor pang agrikultura na nagbibigay daan at oportunidad para mapakita sa lahat ang ganda, husay at mga produktong maipagmamalaki sa mga lokal man o turista.
Bago nagsimula ang nasabing parada ay sinimulan muna ito sa isang Thanksgiving Mass sa St. Dominic Parish Church sa pagpupugay at pasasalamat kay Patron Saint Dominic sa lahat ng biyayang natatamasa ng siyudad.
Nilahukan ng iba’t ibang mga sektor ang nasabing parada ng pinangunahan ng City Government na binigyang kulay at saya ng iba’t ibang grupo ng Drum and Bugle groups. Pagkatapos ng parada ay dumiretso sila sa Arenas-Resuello Sports Complex para sa pagbubukas ng Farmer’s and Homemaker’s Day na susundan ng Drum and Bugle Exhibition.
Kaabang abang naman ang Agri-Expo Trade Fair and Exhibit na magaganap sa Abril 22-24 na lalahokan ng mga iba’t ibang sektor tampok ang iba’t ibang mga produktong maipagmamalaki gamit ang manga at iba pa.
Matutunghayan din sa Abril 22-23 ang Dried Mango Processing Seminar sa Mango Processing and Livelihood center ng siyudad na ituturo ang mga bago teknik sa pag proseso ng mga manga. Marami pang mga aktibidad at magaganap kasabay ng pagdiriwang ng nasabing festival.