Binuksan ngayong araw ng Department of Agriculture (DA) ang Mango Festival sa lobby ng DA Central office sa Quezon City.
Tampok sa dalawang araw na festival ang display ng iba’t-ibang varieties ng mangga mula sa mga lalawigan ng Western Visayas, Eastern Visayas, South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani at General Santos City o SOCCSKSARGEN.
Ang pagbubukas ng ‘Mango Festival’ ay pinangunahan ni Agriculture Secretary Manny Piñol at ng Market Development Division Agribusiness and Marketing Assistance Service ng DA.
Bilang bahagi ng event ay may retail selling ng mga mangga at tienda sa Central Office ng DA mula alas 8 AM hanggang 5 PM simula ngayong araw hanggang bukas at bukas ito sa publiko.
Nais ng DA na matulungan ang mga magsasaka ng mangga hindi lamang sa pagpapalakas ng produksyon nito kundi pati na ang pag-alok sa merkado.
Sa Mayo a sais hanggang a dies, ang mga lalawigan naman mula sa mga rehiyon ng Ilocos, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol at Zamboanga Peninsula ang magdadala ng kanilang produkto ng mangga sa nasabing festival.