Mangrove planting, isinagawa ng DYHP at iFM sa Cebu bilang bahagi ng ika-73 anibersaryo ng RMN

Dalawang libong mangrove propagules ang itinanim ng mga empleyado ng RMN Cebu DYHP at iFM sa ginanap na Mangrove Planting Activity kaninang umaga ng Agosto 28, kaugnay ng ika-73rd anniversary ng RMN.

Ang mangrove planting ay ginanap sa isang bahagi sa South Road Properties (SRP) bilang suporta sa “256K Trees Project” na isang tree growing program ng lungsod.

Layunin ng programa na makapagtanim ng 256,000 na seedlings at mangrove propagules sa buong lungsod ng Cebu.

Ang aktibidad ay pamumunuan ng DYHP manager na si Atty. Ruphil Banoc at iFM manager na si Idol Boyki.

Katuwang ng programa ang Cebu City Environment and Natural Resouces Office o CENRO.

Facebook Comments