Manila, Philippines – Mangunguna ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pananaliksik sa marijuana kasabay ng panawagan na gawing legal sa bansa ang paggamit nito bilang gamot.
Ayon kay PDEA Director Aaron Aquino, mahalagang mapag-aralan muna rito sa bansa ang tungkol sa medical marijuana.
Sa ngayon kasi, wala pa silang nakikitang anumang pag-aaral ng bansa hinggil dito at ang anumang research ay nagmula pa sa ibang bansa.
Kaugnay nito, balak ng PDEA na humingi ng tulong sa university of the Philippines College of Medecine, Department of Science and Technology, Dangerous Drugs Board, Department of Health at sa iba pang mga ahensya.
Sa ilalim ng ra 9165 o comprehensive dangerous drugs act at sa DDB resolution, pinapayagan ang medical marijuana partikular ang “cannabinoid” content nito at hindi ang mismong halaman o dahon nito sa ilang mga pagkakataon.