Thursday, February 26, 2026

Mangusin, pinalilipat ng korte sa Parañaque City Jail —NAPOLCOM Commisioner Calinisan

Kinumpirma ni National Police Commission (NAPOLCOM) Commissioner Ralph Calinisan na ililipat na sa Parañaque City Jail ang vlogger na si Norman Mangusin.

Nakilala si Mangusin na nagpapakilalang trilyunaryo noong panahon ng pandemic na nagpapamahagi ng ayuda sa mga mahihirap.

Sa kaniyang maikling pahayag, sinabi ni Calinisan na batay sa impormasyong natanggap niya mula Parañaque RTC ang pagpapalabas ng commitment order para sa paglilipat kay Mangusin mula sa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG patungong BJMP sa Parañaque.

Ani Calinisan, sa ‘di-maipaliwanag na kadahilanan hindi nakapaghain ng piyansa si Mangusin habang siya ay nasa pangangalaga ng CIDG.

Inaresto si Mangusin noong Martes matapos maisyuhan ng warrant of arrest kaugnay ng kasong 12 counts of unjust vexation.

Facebook Comments