Manhunt kay Bantag at Zulueta, inilunsad ng CIDG

Naglunsad ng malawakang manhunt operation ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para mahuli si dating Bureau of Corrections Chief Gerald Bantag at Jail Officer Ricardo Soriano Zulueta.

Ayon kay CIDG Director PBGen. Romeo Caramat, agad niyang pinakilos ang kanilang mga tracker team para maaaresto ang dalawa matapos ilabas ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 266 ang arrest warrant laban sa mga ito para sa kasong murder.

Itinuturing kasi ang 2 na mga pangunahing suspke sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid at testigong si Jun Villamor.


Ani Caramat, tutugisin ang dalawa saan man sila nagtatago, saan mang sulok ng bansa.

Pagtitiyak pa nito na gagawin ng CIDG ang lahat upang maigawad ang hustisya sa pinaslang na mamamahayag.

Facebook Comments