MANHUNT OPERATION | PNP CIDG, tumutulong na rin para maaresto ang recruiter ni Joana Demafelis

Manila, Philippines – Nagsasagawa na rin ng manhunt operation ang mga tauhan ng pnp Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para maaresto ang recruiter ni Joana Demafelis ang Pinay OFW na nasawi sa Kuwait matapos patayin ng kanyang amo at ipasok sa refrigerator.

Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa na sa ngayon mayroon ng lead ang PNP CIDG sa kinaroonan ng recruiter ni Demafelis.

Pinakalma naman ni Dela Rosa ang pamilya ni Demafelis na huwag matakot sa mga natatanggap na banta sa kanilang buhay.


Ito ay dahil sa naaresto na ang banyagang employer ni Joana Demafelis kaya malabo na makagawa ang mga ito ng numang hakbang laban sa pamilya ng biktima.

Habang naniniwala rin si Dela Rosa na hindi na rin makakapanakot pa ang recruiter ni Demafelis na ngayon at target ng operasyon ng PNP CIDG.

Sa ngayon aniya may mga ideneploy na pulis sa burol ni Joana Demafelis sa Iloilo City upang tuluyan ng mawala ang takot ng pamilya nito.

Facebook Comments