Pinatatag ang manhunt operations sa buong Ilocos Region na nagresulta sa pag-aresto sa kabuuang 309 wanted persons sa unang buwan ng taon.
Sa isang buwang operasyon, 40 ang nakilalang Most Wanted Persons (MWP) ang nahuli, kabilang ang 12 sa Regional level, pito sa Provincial level, apat sa City level, at 17 sa Municipal level.
Bukod dito, nahuli rin ang 269 Other Wanted Persons (OWPs), na nagdala sa kabuuang bilang ng naaresto sa 309.
Ayon sa pulisya, nakamit ang resulta sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na intelligence-driven operations at masusing koordinasyon ng mga yunit ng pulisya, na nakatuon sa agresibong paghuli sa mga wanted persons at pagpapatupad ng batas.
Facebook Comments







