Manhunt sa dalawang inmate na nakatakas sa Bacolod District Jail, nagpapatuloyc

Bacolod City – Patuloy ang manhunt operations na isinasagawa ng mga tauhan ng Metro Bacolod District Jail para sa natirang dalawa sa tatlong mga bilanggo na nakatakas sa naturang jail facility kahapon ng umaga.

Ayon sa imbestigasyon, nakatakas ang mga inmate na sina Marlon Molina, 38 yrs. Old may kasong robbery at carnapping, Noli Dega, 39 yrs. Old at si Ebson Jaen, 36 yrs. Old may kasong illegal drugs at nauna ng nahuli matapos tumakas.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang naturang tatlong mga inmate ay nagsasampay ng kanilang labada at tumalon sa itaas na bahagi ng jail facility.


Ang mga bilanggong ito ay detainee ng Special Intensive Care Unit ng Metro Bacolod District Jail.
DZXL558

Facebook Comments