MANIBELA, handa na sa National Day of Protest bukas kasama ng Piston

PHOTO: Jairus Peñaflorida/DZXL News

Kasado na ang gagawing National Day of Protest ng transport group na Manibela bukas.

Bahagi pa rin ito ng pagtutol nila sa consolidation na bahagi ng PUV Modernization Program ng pamahalaan.

Ayon kay Manibela Chairman Mar Valbuena, magsasagawa sila ng programa sa East Avenue sa Quezon City.


Bukas din kasi ang panibagong deadline ng consolidation para sa mga PUV ayon na rin sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Bago niyan, 45 araw o mula noong October 15 binuksan ang aplikasyon para sa paglahok ng mga unconsolidated na jeepney driver sa mga kooperatiba kasunod ng hiling ng Senado.

Sakaling hindi pa rin makasama, ituturing ang mga ito na kolorum at huhulihin kapag pumasada.

Ilang beses na ring pinalawig ang palugit ng pamahalaan sa mga operator ng jeep na mula pa sana noong katapusan ng 2023.

Samantala, sinabi pa ni Valbuena na kasama nilang magkikilos-protesta bukas ang transport group na Piston.

Facebook Comments